Mahigit 300 miyembro ng militanteng grupo at Lumad, nagkilos protesta sa Camp Aguinaldo at Camp Crame

by Radyo La Verdad | November 9, 2015 (Monday) | 1649

ARA_LUMAD
Tinatayang nasa mahigit tatlong daang Lumad ang nagsama-sama upang ipahayag ang kanilang saloobin kaugnay sa pagpatay sa kanilang leaders at mga kasamahan sa Mindanao.

Nananawagan ang mga ito kay Pangulong Benigno Aquino III at sa Armed Forces of the Philippines na tigilan na ang Lumad killings, pambibiktima sa mga Lumad at tigilan ang operasyon ng militar sa kanilang lugar.

Nais din ng grupo na nais nilang mabigyan ng hustisya ang mga inosenteng pinaslang ng mga militar,alisin ang mga militar na kasalukuyang na sa mga kanayunan upang makauwi na ang mga evacuees sa kanilang komunidad.

Sa kasalukuyan ay patungo ang grupo sa camp crame upang doon naman ipahayag ang kanilang saloobin.(Ara Mae Dungo/UNTV Radio Correspondent)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , , , ,