Menor de edad na biktima ng hit and run sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | September 22, 2016 (Thursday) | 1350

nestor_tmbb
Nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang lalaking biktima ng hit and run sa Mc Arthur Highway, Barangay San Juan, Balagtas, Bulacan pasado alas kwarto kaninang madaling araw.

Nagtamo ng bali sa kanang braso, sugat sa kanang tuhod at bibig ang biktima na kinilalang si Benzar Supan, disisyete anyos ng Burol Second Balagtas, Bulacan. Matapos bigyan ng paunang lunas ay dinala na ito sa Bulacan Medical Center.

Kwento ng biktima, pauwi na sana sya ng bahay galing sa kasiyahan ng biglang tumawid ang isang 18 wheeled truck na naka sagi sa kanya

Mabilis namang tumakas ang driver at hindi na hinintuan pa ang biktima

Sa ngayon kasalukuyang nakaconfine at nagpapagaling sa BMC hospital sa Malolos ang binatilyo.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: , ,