Mga alternatibong ruta para sa SONA inilabas ng MMDA

by Radyo La Verdad | July 25, 2016 (Monday) | 1887

MMDA
Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority ang mga motorista na dadaan ng Commonwealth Avenue na dumaan sa mga sumusunod na alternatibong ruta.

Sa mga pribado at pampublikong sasakyan na galing EDSA, kumanan sa Mindanao Avenue, kanan sa Don Julio Gregorio, diretso sa Republic Avenue kaliwa sa Fairlane o sa Regalado Avenue papunta sa inyong destinasyon o vice versa.

Sa mga pribadong sasakyan, maaaring dumaan sa Mindanao Avenue, kanan sa Quirino Highway papunta sa inyong destinasyon at vice versa.

Sa mga manggagaling naman sa Commonwealth Avenue, kumanan sa Dahlia Avenue, kaliwa sa Chestnut kanan sa Republic Avenue, Don Gregorio Road, Old Sauyo papuntang Mindanao Avenue at vice versa.

Pupwede rin sa Commonwealth Avenue, kanan sa Regalado Avenue, kanan sa Republic Avenue, Dom Gregorio Road, Old Sauyo Road papuntang Mindanao Avenue at vice versa.

Pinaalala naman ng MMDA na tuloy ang implemenstasyon ng number coding scheme bukas.

(UNTV RADIO)

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,