Mga Pinoy na walang trabaho noong Oct. 2023, bumaba sa 2.09M – PSA

by Radyo La Verdad | December 8, 2023 (Friday) | 3667

METRO MANILA – Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho base sa latest report ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa datos ng PSA, bumaba sa 2.09 million ang unemployment sa bansa para sa buwan ng Oktubre ngayong taon na mas kakaunti kumpara sa 2.26 million naitala noong September 2023.

Katumbas ito ng 4.2% na unemployemnt rate para sa October 2023, na mas mababa sa 4.5% na naireport noong Setyembre.

Mas mababa rin ito kumpara sa 2.24 million na bilang ng mga walang trabaho noong Oktubre ng nakaraang taon.

Tags: , ,