Motorcycle accident sa Calumpit Bulacan, nirepondihan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | April 26, 2016 (Tuesday) | 1620

TMBB
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang motorcycle accident sa barangay San Miguel, Calumpit.Bulacan, pasado alas diyes kagabi.

Duguan ang biktimang si Ricky Rosales, 37-anyos dahil sa malalim na sugat sa ulo, gasgas sa kaliwang kamay at posibleng bali o fracture sa kanang paa, samantalang si Mark Reynold Andal 27-anyos ay nagtamo gasgas sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Magkatulong na nilapatan ng pangunang lunas ng Calumpit Rescue Unit at ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang sakay ng tricycle na bumangga sa isang naka paradang side car.

Ayon sa nakasaksi sa pangyayari, mabilis ang takbo nina ricky at Mark nabigla na lamang binanga ang nakaparadang side car.

Matapos malapatan ng pangunang lunas ang dalawang biktima ay dinala ang mga ito sa Jose B. Lingad Hospital.

(Joshua Antonio/UNTV NEWS)

Tags: