Motorcycle accident sa Quezon City, nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | April 25, 2016 (Monday) | 1374

TMBB
Nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang sugat ni Gerald Anunciado, 27 anyos matapos matumba ang sinasakyang motorsiklo sa Northbound ng EDSA Quezon Avenue pasado alas dos madaling araw ng lunes.

Nagtamo ng sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na tumanggi ng magpadala sa ospital matapos mabigyan ng first aid.

Ayon sa isang motorcycle rider na si Elvis Caabay na dumaan sa lugar, naabutan na lang nila na nakadapa na sa gitna ng kalsada ang biktima matapos tumilapon sa sinasakyang motorsiklo.

Ang angkas naman nito at kapatid ng biktima na si Jerry Anunciado 20-anyos, ay wala namang tinamong sugat.

Ayon kay Jerry habang binabagtas nila ang flyover ng EDSA Quezon Avenue nang pagbaba nila ay nagpagewang gewang na ang kanilang motorsiklo matapos maflat ang gulong ng likurang bahagi nito.

(Reynante Ponte/UNTV NEWS)

Tags: