Motorcycle rider, sugatan matapos bumangga sa isang van sa Malate, Manila

by Radyo La Verdad | April 14, 2016 (Thursday) | 437

BENEDICT_ACCIDENT
Namimilipit sa sakit at hindi maigalaw ang kanang binti ng motorycle rider na ito matapos bumangga sa isang starex van sa service road ng Roxas Bouevard, Malate, Manila mag-aalas dies kagabi.

Kinilala ang biktima na si Aris Saberola, 44 anyos na nagtamo ng posibleng bali sa kanang binti kaya kinailangang isugod sa ospital.

Ayon naman sa driver ng van na tumangging humarap sa camera, paparada sana siya dahil gagamit siya ng cellphone nang biglang sumalpok sa kaliwang bahagi ng van ang motor.

Nakasuot naman umano ng helmet ang biktima nang mangyari ang aksidete subalit walang makitang headlight sa motor nito.

Iniimbestigahan na ng Manila Traffic Bureau ang insidente upang malaman kung sino ang dapat managot sa naturang insidente.

(Benedict Galazan / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,