Mt. Bulusan, muling nag-alburuto, itinaas sa Alert Level 1

by dennis | May 7, 2015 (Thursday) | 1945
File photo: Reuters
File photo: Reuters

Muling nag-alburuto ang Mt. Bulusan sa Sorsogon bandang alas-9:46 kagabi ayon sa Office of Civil Defense sa Bicol region.

Ayon sa ahensya, nagbuga ito ng usok at abo na aabot ng hanggang 250 metro.

Ito ang ikalawang pagkakataon na nag-alburuto ang naturang bulkan, na itinuturing na isa sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas.

Sinimulang i-monitor ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang Mt. Bulusan nang magumpisa itong magbuga ng abo nitong unang araw ng Mayo.

Dahil dito, itinaas na sa Alert Level 1 ang sitwasyon sa Mt. Bulusan pero ipinaliwanag ng PHIVOLCS na maliit ang tsansa na tuluyan itong sumabog.

Tags: , ,