Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang aksidente sa Barangay Bangad, Cabanatuan City pasado ala-una kaninang madaling araw.
Ang biktima na si Catherine Salvador, bente-sais anyos, ay nagtamo ng mga gasgas sa tuhod at paa at pananakit sa kaliwang balikat matapos siyang maaksidente sa motorsiklo.
Ayon sa biktima, pauwi na sana siya sa kanilang bahay nang mawalan siya ng balanse at sumadsad sa kalsada ang minamanehong motorsiklo.
Matapos bigyan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue ay inihatid na sa ospital si Salvador ng rumesponde ring Cabanatuan Emergency Search and Rescue Team.
(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)
Tags: Cabanatuan City, Naaksidenteng motorcycle rider, UNTV News and Rescue Team
BUTUAN, Philippines – Nakahandusay sa kalsada ang isang lalaking motorcycle rider nang datnan ng UNTV News and Rescue team sa South Montilla Boulevard, Butuan City, noong Biyernes ng gabi.
Kinilala ang rider na si Jason Fermano na taga Amayahan, Agusan del Norte.
Nagtamo ito ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at pananakit balikat bunsod ng pagkakabangga sa center island ng kanyang minamanehong motorsiklo.
Kwento ng mga nakasaksi sa aksidente, mabilis umano ang pagpapatakbo ni Fermano habang binabaybay ang national highway na tila nakikipaghabulan sa ibang motorista.
Nagulat nalang ang mga tao sa lugar nang salpukin nito ang center island.
Matapos lapatan ng first aid ng UNTV Rescue si Fermano ay dinala na ito sa Butuan Medical Center upang masuri ng mga doktor habang kinuha naman ng mga pulis ang motorsiklo nito para sa safe keeping.
Para sa mga mangangailangan ng tulong ng UNTV News and Rescue makipag ugnayan lamang sa numerong 911-UNTV o 911-8688.
(Raymond Octobre | UNTV News)
Tags: aksidente, motorcycle accident, rescue, UNTV News and Rescue Team
Masuwerteng gasgas lang ang tinamo ng mga magkakabarkada matapos maaksidente ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Ayala Highway, Barangay Balintawak sa Lipa, Batangas kagabi.
Ayon sa mga biktima, galing silang Batangas City at patungo sana ng Malvar nang biglang lumabas sa isang kanto ng Ayala Highway ang isa pang motorsiklo na tinamaan nila sa likurang bahagi dahilan upang mawalan sila ng kontrol sa manibela.
Agad namang nilapatan ng UNTV News and Rescue Team ang mga gasgas sa tuhod at binti ng mga biktima na sina Romel de Asis, Juan Carlo Maldorado at Tristan Samonte na tumanggi nang magpadala sa ospital.
Samantala, nagkasundo naman ang dalawang panig na magkaayos na lang at hindi na magreklamo sa pulisya.
Isang tawag mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office ang natanggap ng UNTV News and Rescue Team pasado alas nuwebe kagabi.
Ito’y matapos bumangga sa nakaparadang multicab sa Bonbon Road ang minamanehong motor ni Bryan Pontemar. Nagtamo ang biktima ng matinding pagdurugo sa ulo at posibleng bali sa kanang binti.
Ayon sa ilang saksi, walang suot na helmet si Pontemar habang nagmamaneho at mabilis ang pagpapatakbo nito ng motorsiklo bago mangyari ang aksidente.
Agad nilapatan ng first aid ng UNTV News and Rescue ang biktima. Pagkatapos ay dinala ito ng grupo sa Butuan Medical Center upang masuri ng doktor.
( Raymond Octobre / UNTV Correspondent )
Tags: Butuan City, motorcycle accident, UNTV News and Rescue Team