Naaksidenteng motorcycle rider sa Cebu City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | September 19, 2016 (Monday) | 1511

marlhon_tmbb
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang banggaan ng hi-ace van at motorsiklo sa M.J. Cuenco Ave. Mabolo, Cebu City pasado alas dos ng umaga noong Sabado.

Sugatan ang motorcycle rider na kinilalang si Jason Rosafa, dalawamput anim na taong gulang, residente ng T. Padilla St.

Ayon kay Jason, bigla umanong huminto ang van sa harap nya kung kaya siya bumangga dito.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng grupo ang mga galos at sugat ng biktima sa kamay at paa.

Pagkatapos ay agad nang dinala ito sa Perpetual Succour Hospital.

Samantala, iniimbestigahan naman ng mga otoridad kung sino ang may kasalanan sa nangyaring aksidente.

(Marlhon Abique / UNTV Correspondent)

Tags: ,