NCR, Baguio City at Davao City, mananatili sa GCQ ngayong Marso

by Erika Endraca | March 1, 2021 (Monday) | 926

METRO MANILA – Mananatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila, Baguio City, at Davao City ngayong buwan ng Marso.

Bukod dito, under GCQ status din ang Batangas at ilang bahagi ng Cordillera Administrative Region, partikular na ang Apayao, Kalinga, at Mountain Province.

General Community Quarantine din ang ipinatutupad sa Tacloban City, Iligan City, at Lanao Del Sur.

Habang ang mayoryang bahagi naman ng bansa ay mananatili sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) mula ngayong araw, March 1 hanggang March 31.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: ,