Noel Cabangon, nakapili na ng 2 Wishcoverees sa kanyang kampo na pasok sa susunod na round

by Radyo La Verdad | December 10, 2018 (Monday) | 859

Mahigpit ang naging labanan ng unang batch ng wishcoverees ng Camp Noel Cabangon noong Sabado sa “Wishcovery Season 2: The Singer and The Song”.

Ayon kay Composer-Wishcoverer Noel, maliit lamang ang naging diperensya ng kaniyang scores sa tatlong singing hopefuls.

Unang sumabak si Wishcoveree Julieanne Kea Buayan sa awiting “Kung Maputi na ang Buhok Ko”.

Samantala, bigay todo naman si John Javis Paat sa kanyang awit na dedicated sa kanyang ama.

Hindi rin nagpahuli sa kanyang R&B performance si Rester Tendras. Pasok si John Javis at Rester, habang nagpaalam naman na si Julieanne.

Samantala, ngayong linggo ay aabangan naman ang vocal battle ng panibagong set ng wishcoverees ng iba’t-ibang kampo.

Unang sasabak sa eliminations mamayang gabi ang Camp Rannie Raymundo.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

 

 

 

Tags: , ,