Wishcoverees ng Camp Noel Cabangon sa “Wishcovery Season 2: “The Singer and The Song”

by Radyo La Verdad | December 3, 2018 (Monday) | 706

Matapos makilala noong nakaraang linggo ang mga wishcoverees sa unang team mula sa Visayas Region na bubuuo sa Camp Top Suzara sa “Wishcovery Season 2: The Singer and The Song, ang wishcoverees naman sa kampo ni Composer-Wishcoverer Noel Cabangon ang inintroduce sa netizens noong Byernes.

Magmumula ang mga ito sa magagaling na mang-aawit ng 6th largest island sa bansa, ang Panay Island.

Mula Luzon, nagtungo si Noel sa Iloilo para kilatisin ang bawat auditionee. Mapalad na nakapasok sa Camp Noel sina Anthony Jallores, Javis Paat, Jose Ellaga, Julieanne Buayan, Krystal Dumaop, Lear Lasquety, Marje Padilla, Nelisa Gatinao, Rachel Gambalan, Rester Tendras, Segie Arlos at Tweetie Salas.

Samantala, mamaya ay simula na ng weekly eliminations ng “Wishcovery Season 2: The Singer and The Song. Abangan ang tagisan ng galing ng Camp Rannie Raymundo mamayang alas nwebe ng gabi.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,