Pag-aresto ng otoridad anomang oras, patuloy na pinaghahandaan ni Sen. Trillanes

by Radyo La Verdad | September 7, 2018 (Friday) | 3228

Magmula pa kagabi ay nakabantay ang ilan sa mga supporter maging si Senator Antonio Trillanes IV kaugnay ng naiulat na pag-aresto sa kaniya.

Kanina ay hinarap ng senador ang kaniyang mga taga suporta at nagpasalamat sa kanila.

Ayon sa senador, bukod rito ay may ilan rin naman na mga aktibong sundalo ang nagpahayag rin ng suporta sa kaniya. Ngunit nananatili naman aniyang sumusunod ito sa sinumpaang mandato.

Ikinuwento ng senador na kagabi ay halos hindi rin siya nakatulog, patuloy rin ang kaniyang paghahanda sa posibilidad na maaresto siya anomang oras.

Ito ay sa kabila na may pagtitiyak ang liderato ng Senado na hindi papayagan ang pag-aresto sa premises ng mataas na kapulungan ng Kongreso lalo at wala namang warrant of arrest.

Ibinahagi rin ng senador sa media ang kaniyang regular na ginagawa habang siya ay nananatili sa Senado. Tuloy lang aniya ang kaniyang trabaho habang pinag-iisapan ang mga susunod na hakbang upang kontrahin ang proklamasyon ng Pangulo.

Sa sofa lang aniya siya naiidlip, at may pinagkakaabalahan rin siya upang matanggal ang kaniyang stress.

Minabuti rin ng senador na idistansya na ang kaniyang pamilya at tanging si Magdalo Representative Gary Alejano ang kaniyang kasama sa kwarto.

Itong darating na weekend, may mga naka-iskedyul daw siya na pakikipagpulong sa kaniyang legal team at sa iba pang grupo at mananatili pa rin siya dito sa loob ng Senado.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,