Pagbalangkas ng IRR ng National ID System, sinimulan na ng PSA

by Radyo La Verdad | August 24, 2018 (Friday) | 5911

METRO MANILA, Philippines – Epektibo na simula bukas ang batas kaugnay ng Philippine Identification System. Sinimulan na rin ng Philippine Statistic Authority (PSA) ang pagbalangkas sa implementing rules and regulations para sa national ID.

Nakapaloob sa IRR ang mga detalye kung papaano mapoprotektahan ang privacy ng mga Pilipino.

Target ng PSA na mailabas ang IRR hanggang Oktubre, at makapagsimula ng pilot registration sa isang milyong household sa Disyembre.

Aabutin ng apat na taon ang full implementation ng Phililippine ID system upang mairehistro ang lahat ng mga Pilipino.

Tiniyak ng PSA at National Privacy Commission (NPC) na may mga hakbang sila upang protektahan ang impormasyon ng mga Pilipino sa ilalim ng national ID system.

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,