Pagdalo ni Chinese Pres. Xi Jinping sa APEC Economic Leaders Meeting, wala pang kumpirmasyon sa Pilipinas- DFA

by Radyo La Verdad | November 9, 2015 (Monday) | 4629
Chinese Pres. Xi Jinping(REUTERS)

Chinese Pres. Xi Jinping(REUTERS)

Hinihintay na lamang ng Pilipinas ang kumpirmasyon ng Beijing kaugnay ng naiulat na pagdalo ni Chinese President Xi Jinping sa APEC Economic Leaders Meeting sa November 18 at 19.

Sa text message ni Department of Foreign Affairs Charles Jose, bagamat iniulat na ng Chinese media ang gagawing pagdalo ng Chinese President sa APEC Summit ay wala pang natatanggap na official confirmation ang Pilipinas ukol sa bagay na ito.

Matatandaang una nang sinabi ng DFA, na ang hinhintay na lamang na kumpirmasyon ng pagdalo sa APEC 2015 Summit ay ang China.

Wala ring ibinibigay na impormasyon sa kasalukuyan ang Malakanyang sa posibilidad na pagkakaroon ng bilateral meeting sa Pilipinas sa China upang pagusapan ang West Philippine Sea Territorial Dispute issue.(Nel Maribojoc/UNTV Correspondent)

Tags: , , , , ,