Pagpapatupad ng Fuel Tax Hike dapat imonitor ng husto ng DOE – Sen. Gatchalian

by Erika Endraca | January 2, 2020 (Thursday) | 4363

METRO MANILA – Hinikayat ni Senator Sherwin Gatchalian ang Department Of Energy (DOE) na bumuo ng isang task force na syang magmo-monitor sa pagpapatupad ng dagdag buwis sa produktong petrolyo.

Ayon sa Senador ito ay upang matiyak na hindi magkakaroon ng hoarding at hindi rin magsasamantala ang ilang kumpanya ng langis sa pagpapatupad ng oil price hike.

Samantala ang dagdag presyo sa produktong petrolyo na nakatakdang ipatupad ngayong 2020 ay ang ikatlong bugso fuel tax hike sa ilalim ng Train Law.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: