Pagpuputol ng koneksyon ng tubig, isasagawa na rin ng Maynilad kahit weekend

by Radyo La Verdad | September 29, 2023 (Friday) | 13261

METRO MANILA – Ipapatupad na ng Maynilad simula sa October 1 ang bagong regulasyon sa pagpuputol ng mga linya ng tubig na hindi nakakabayad ng 60 days o 2 buwan.

Nagpadala narin ng text ang konsesyonaryo sa kanilang mga customer para maabisuhan ang mga ito.

Paalala ng Maynilad, pwede namang magbayad ang mga customer online at agad naman nilang ibabalik ang serbisyo.

Kahit holiday ay magpuputol din ang Maynilad liban na lamang pag December 25, bagong taon at 3 araw ng semana santa.

Pero may paraan naman daw para hindi maputulan ng tubig kung hindi agad makakabayad.

Samantala, magpapatupad naman ng water service interruption ang Maynilad simula Septerber 28 hanggang October 1.

Ito ay dahil sa maintenance na gagawin sa putatan treatment plant na kumukuha ng tubig mula sa Laguna lake.

Tinatayang nasa 250,000 households o koneksyon ng tubig ang maaapektuhan mula sa Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque at Pasay city.

Ayon sa Maynilad, dapat nilang mapaghandaang ang pagdating ng amihan season kung saan madalas na lumabo ang tubig sa lawa.

(Rey Pelayo | UNTV News)


Tags: