Pagtangkilik ng Pilipino sa mga sasakyang mula sa Japan, ipinagmalaki ni Pangulong Aquino sa Japanese Emperor

by Radyo La Verdad | January 27, 2016 (Wednesday) | 1626

JERICO_IPINAGMALAKI
Ibinida ni Pangulong Benigno Aquino III kay Japanese Emeror Ahikito ang patuloy na pagtangkilik ng Pilipino sa mga sasakyang mula sa bansang Japan.

Sinabi ito ng Pangulo nang makipagpulong ito sa Emperor sa Malacañang kanina sa ikalawang araw ng limang araw na state visit nito sa Pilipinas, kasama ang asawa nito na si Empress Michiko.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., natalakay ito ng dalawa nang banggitin ni Pangulong Aquino ang bumibigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila dahil sa pagtaas ng benta ng mga sasakyan na karamihan ay mula sa Japan.

Bukod dito, napagusapan din aniya ng dalawa ang mahalagang naitulong ng Japanese retailer na Uniqlo at ang pamumuhunan ng Heattech Technology sa bansa.

Inalala rin aniya ng emperador ang pagbisita nito sa Tagaytay at Baguio noong taong 1962 na noon ay crown prince pa ito.

Dumalaw ang imperial couple kasabay ng commemorasyon ng ika-60 anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Japan ngayong taon.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,