Pahinante ng truck na-aksidente sa Edsa Muñoz, tinulungan ng UNTV News and Rescue team

by Radyo La Verdad | July 31, 2017 (Monday) | 1504


Nagkabanggaan ang isang truck at pampasaherong bus sa southbound lane ng Edsa Muñoz sa Quezon City ala una kuarentay otso kaninang madaling araw. Sugatan sa insident ang pahinante ng truck na si Mark Calopas, 32 anyos.

Nagtamo ito ng mga gasgas sa ulo dahil sa pagkakauntog sa windshield ng truck at idinadaing din ang pananakit ng kaniyang kanang binti. Agad na nilapatan ng paunang lunas ng UNTV News and Rescue team ang mga pinsala nito.

Pagkatapos na mabigyan ng first aid treatment ay tumanggi na itong magpahatid sa hospital.

Samantala sugatan din ang driver ng truck at naipit ang binti nito sa manibela ng sasakyan.

Ginamitan pa ng Quezon City rescuers ng extrication tool para makuha ito sa loob ng truck. Sa inisyal na ulat ng Quezon City Traffic Sector 1 galing sa u-turn slot ang pampasaherong bus nang mabangga ng ito ng padiretsong truck.

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

Tags: , ,

Leave a Reply