Pangulong Duterte, nagsagawa ng special meeting sa kaniyang security cluster ilang araw bago ang kaniyang SONA sa ika-23 ng Hulyo

by Radyo La Verdad | July 12, 2018 (Thursday) | 959

(File photo from PCOO FB Page)

Nagkaroon ng special meeting si Pangulong Rodrigo Duterte sa security cluster ng kaniyang gabinete kahapon ilang araw bago ang kaniyang State of the Nation Address (SONA) sa ika-23 ng Hulyo.

Kabilang sa mga kinausap ng punong ehekutibo sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Interior Secretary Eduardo Año, Justice Secretary Menardo Guevarra, Budget Secretary Ben Diokno, Finance Secretary Sonny Dominguez, pamunuan ng Kongreso at Senado, ilang mambabatas at alkalde.

Batay sa agenda na inanunsyo ng Malacañang, kabilang sa mga pinag-usapan ang localized peace talks at military procurement.

Bagaman wala pang naibibigay na ibang detalye, posible ring napag-usapan ang sunod-sunod na insidente ng pananambang sa local government officials.

Nasa apat na opisyal na ng lokal na pamahalaan ang napapaslang nitong mga nakalipas na araw.

 

 

 

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,