Nakatakdang pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte mamayang hapon sa Malacañang ang Philippine Identification System (PhilSys) kasabay ng presentation ng Bangsamoro Organic Law.
Inaasahan na ang bawat Pilipino ay magkakaroon na ng unique at permanenteng PhilSys number bilang kaniyang personal identification.
Una nang nabanggit ng Department of Budget and Management (DBM) na may nakalaan nang dalawang bilyong pisong pondo para maipatupad ito ngayong taon ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon naman kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sa pamamagitan ng PhilSys o national ID law. Inaasahang mapapaigting ang efficiency at transparency sa public services at maisusulong ang ease of doing business.
Hindi na kinakailangang magpresenta ng multiple ID ang isang mamamayan para patunayan ang kaniyang identity at inaasahang maiiwasan ang identify theft o fraud.
Tags: national ID law, Pangulong Duterte, PSA
METRO MANILA – Bahagyang bumilis sa 3.9% ang naitalang inflation rate sa bansa para sa buwan ng Mayo ngayong taon.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), bahagyang mas mataas ito kumpara sa 3.8% na naitala noong Abril.
Gayunman ito na ang pinakamabilis na inflation rate na naitala ng PSA ngayong 2024.
Pero mas mababa pa rin ito kung ikukumpara sa 6.1% na record noong may 2023.
Paliwanag ng PSA, ilan sa mga factors na naka-ambag sa pagbilis ng inflation ay ang mabilis na pagtaas ng presyo ng housing, tubig at kuryente.
Gayundin ang presyo ng mga produktong petrolyo at transportasyon.
Sa isang pahayag sinabi naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang naitalang inflation rate ay pasok pa rin sa kanilang forecast ranger na 3.7% hanggang 4.5%.
METRO MANILA – Bahagyang nadagdagan na naman ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong Abril.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot ito sa 4%.
Ito ay katumbas ng 2.4 milyong indibidwal na walang trabaho.
Mas mataas ito kumpara sa 3.9 % o 2 milyong indibidwal lamang na walang trabaho noong Marso.
Samantala, tumaas rin ang underemployment rate noong Abril na nasa 14.6% o 7.04 milyong Pilipino mula sa 12.9% noong isang taon.
Tags: PSA, Unemployed
METRO MANILA – Mula sa nakaraang 1.80-M na bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong February 2024, bahagyang tumaas sa nasa 2-M ang unemployment sa bansa para sa buwan ng mMrso ngayong taon.
Base sa latest report ng Philippine Statistics Authority (PSA), naitala sa 3.9% ang unemployment rate sa bansa para sa March 2024, na bahagyang mataas kumpara sa 3.5% na record noong Pebrero.
Gayunman mas mababa pa rin ito kung ihahambing sa 4.7% na unemployment rate sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Paliwanag ni National Statistician PSA Undersecretary Dennis Mapa ilan sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho ay bunsod ng epekto ng El niño o matinding init ng panahon.
Bukod sa El niño, sinasabing marami rin ang nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng African Swine Fever (ASF), kung saan maraming hog raisers ang nalugi.
Maging sa industriya ng construction, may nakita ring pagbaba sa unemployment ang PSA, kung saan nasa 214,000 ang mga nawalan ng trabaho. Kabilang na rito ang construction workers at electrical installers.
Samantala, bumaba naman sa 5.39-M ang bilang ng underemployment o yung mga naghahanap ng karagdagang oras o ekstrang trabaho.
Habang naitala naman sa 49.15-M ang bilang ng mga Pilipinong may trabaho para sa March 2024.
Nangako naman ang National Economic Development Authority (NEDA) na patuloy ang Marcos administration sa pagbubukas ng mga oportunidad upang makalikha ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.
Tags: PSA, unemployment