Pasahero ng bumanggang SUV sa Baguio City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | September 19, 2016 (Monday) | 1695

grace_tmbb
Tinulungan ng UNTV News and Rescue Team ang sugatang pasahero ng bumanggang SUV sa kahabaan ng Camdas Flyover, Baguio City pasado alas dos ng madaling araw kahapon.

Wasak ang kanang bahagi ng sasakyan at flat ang parehong gulong nito sa harapan matapos sumadsad sa concrete railings ng tulay.

Kinilala ang nasaktang pasahero na si Ernesto Langawan, sisenta y singko anyos, residente ng Barangay Ampucao, Itogon, Benguet.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Isaar Langawan galing ang mga ito sa isang okasyon sa Km 4 La Trinidad, Benguet at pauwi na sana ng Fhilex nang mangyari ang aksidente.

Idinaraing ng biktima ang pananakit ng kaliwang balikat nito na posibleng nagtamo ng fracture na agad namang nilapatan ng paunang lunas ng rescue team.

Wala namang tinamong sugat ang driver ng mitsubishi strada na si Victor Gonzales at ang kapatid ng biktima.

Matapos malapatan ng paunang lunas si Ernesto ay agad na itong isinugod ng rescue team sa Pines City Doctors Hospital para sa karagdagang atensyong medical.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: ,