Presyo ng ilang produkto ngayong holiday season bahagyang tumaas

by Radyo La Verdad | December 23, 2015 (Wednesday) | 3005

DTI
Bahagyang gumalaw ang presyo ng ilang produkto na nabibili ngayong holiday season.

Ayon sa Department of Trade and Industry kumpara noong nakaraang linggo may nakita silang pagtaas sa ilang presyo ng ham at fruit cocktail.

Subalit wala namang dapat ipagalala dahil kung mayroon mang mga pagtaas sa presyo ito ay nasasakop pa rin ng itinalaga ng suggested retail price

Ayon sa DTI, naging epektibo ang pagpapatupad ng SRP dahil na ko-kontrol at naiiwasan ang pananamantala ng mga store owners, subalit nagbigay ng babala ang DTI sa mga consumer na maging matalino sa pagpili ng mga produktong bibilhin.

Ayon sa DTI, tignan ang expiry date ng mga produkto, siguraduhin rin na tugma ang presyong nakalagay sa produkto sa presyong nainput ng kahera.

Kung magkaiba, ang pinakamababang presyo ang dapat na sundin, isaalang alang rin ang timbang ng produkto, para sa mga nagtitipid malaki ang maitutulong nito upang makakuha ng mas magandang produkto

Nagisyu naman ng show cause order ang DTI sa isang kilalang supermarket dahil sa walang price tag ang isang brand ng queso de bola.

Ikinatuwa maman ng DTI ang ginawa ng mga malalaking supermarket na ipagbawal ang pagbebenta ng bulto at priority ang maliliit na consumer.

Nagkakaroon naman ng kakulangan sa supply ng ilang produkto sa supermarket, dahil sa malaking demand naubos na ang isang supply ng kilalang brand ng ham at queso de bola.

Naglagay naman ng mga imported product ang mga supermarket subalit mas tinatangkilik ng mga consumer ang mas murang lokal product.

Samantala, kinumpiska ng DTI ang ilang appliances sa loob ng isang shopping mall dahil wala itong icc sticker.

Inisyuhan rin ng show cause order ang naturang mall.

Sa mga sumbong at reklamo sa produktong nabili tumawag sa dti hotline number 751-3330.

(Mon Jocson/UNTV News)

Tags: ,