Presyo ng LPG, bababa ng P5.00 kada kilo simula ika-1 ng Disyembre

by Radyo La Verdad | November 29, 2018 (Thursday) | 2192

Magkakaroon ng malaking rollback sa presyo ng liquified petroleum gas (LPG) simula sa ika-1 Disyembre.

Ayon sa mga industry player, limang piso sa kada 11 kilogram na tangke ng LPG ang mababawas sa presyo.

Lumalabas na 55 piso ang matitipid ng mga consumer sa isang 11 kilogram na tangke ng LPG na mabibili sa merkado.

Isa sa dahilan ng bagsak presyo ay ang mataas na supply ng produktong petrolyo sa world market.

 

 

 

Tags: , ,