Taas-presyo sa LPG, ipinatupad na ngayong February

by Radyo La Verdad | February 2, 2024 (Friday) | 2556

METRO MANILA – Muli na namang tumaas ang presyo ng Liquified Petroleum Gas (LPG) ngayong buwan ng Pebrero.

Batay sa abiso ng Petron Corporation, tumaas ng P0.95 per kilogram ang presyo ng LPG, at epektibo po ito simula kahapon, February 1.

Habang ang Solane naman ay magkakaroon ng dagdag na P0.91 per kilogram.

Katumbas ito ng mahigit sa P10 na dagdag-presyo sa kada 11-kilogram na tangke.

Samantala magpapatupad naman ng seventy centavos per kilogram na taas-presyo ang regasco.

Ito na ang ikalawang sunod na buwan ngayong taon na tumaas ang presyo ng lpg sa merkado

Tags: ,