Presyo ng LPG muling tumaas ngayong Nobyembre

by Radyo La Verdad | November 2, 2023 (Thursday) | 2714

METRO MANILA – Muli na namang tumaas ang presyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa ika-apat na magkakasunod na buwan.

Epektibo nitong November 1, tumaas ng P0.50/kilo ang presyo ng Regasco LPG.

Habang P0.45/kilo ang dagdag sa LPG ng Solane at Petron.

Nangangahulugan rin ito ng dagdag na mahigit sa P4 hanggang P5 sa presyo ng regular na 11 kilogram LPG tank.

Tags: ,