Pulis at suspected drug pusher na sugatan sa buy-bust operation sa Cagayan de Oro City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | September 11, 2017 (Monday) | 1027

Tinulungan ng UNTV News and Rescue ang isang pulis at isang hinihinalang drug pusher na nasugatan sa isang anti-drug operation sa barangay Carmen, Cagayan de Oro City noong Sabado ng madaling araw.

Ayon kay PO1 Rey Abucay, isang buy-bust operation ang kanilang isinagawa sa barangay Kauswagan laban sa suspek na si Sharlyn Apostre, ngunit nagtangka umanong tumakas ang suspek gamit ang kanyang motorsiklo.

Agad naman itong hinarang ni PO1 Abucay kaya natumba ang dalawa at nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Nilapatan naman ng UNTV News and Rescue Team ang mga tinamong pinasala ng dalawa. Tumanggi naman sila na magpadala sa ospital.

 

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,

Leave a Reply