Roger Federer, umatras na sa olympics at hindi makakalaro sa buong season

by Radyo La Verdad | July 27, 2016 (Wednesday) | 2953
Roger Federer(REUTERS)

Roger Federer(REUTERS)

Nagpull out na si Roger Federer sa olympic games na sisimulan sa August 5 hanggang 21.

Nangangailangan si Federer ng mahabang rehabilitasyon upang mapahaba pa ang kanyang tennis career.

Naoperahan si Federer sa tuhod sa unang bahagi ng kasalukuyang taon.

Nito lamang nakaraang buwan na-injured ang kanyang kaliwang tuhod na kinailangang operahan.

Nagkaroon din siya ng back injury sa French Open at kahapon ipinasya nito na huwag munang maglaro ngayong season.

Tags: , ,