SOMO ng pamahalaan vs NPA, natapos na kaninang hatinggabi

by Radyo La Verdad | January 3, 2018 (Wednesday) | 1801

Nagtapos na kaninang hatinggabi ang anim na araw na idineklarang Suspension of Military Operations o SOMO ng pamahalaan laban sa rebeldeng New People’s Army o NPA.

Dahil dito, balik na ang opensiba ng militar laban sa grupo upang mapigilan ang anomang banta ng pag-atake mula sa mga ito.

Ayon sa Department of National Defense, malaking bagay na para sa mga sundalo ang ilang araw na ceasefire upang makapagpahinga ang mga ito.

Nagsimula ang SOMO noong December 23 hanggang December 26 at December 30 hanggang 11:59 pm ng January 2.

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,