Sugatan sa aksidente sa motorsiklo sa Cagayan de Oro City, tinulungan ng UNTV News and Rescue

by Radyo La Verdad | October 30, 2017 (Monday) | 1338

Sugatan ang magkaibigang Erwin Pamulagan at Renmart de Lima nang madulas ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Purok 4 Brgy. Gusa, Cagayan de Oro City, bandang alas onse kagabi.

Agad na ini-asses ng UNTV News and Rescue Team ang magkaibigan at mabilis na nilapatan ng first aid at saka inihatid sa Northern Mindanao Medical Hospital.

Ayon sa magkaibigan, galing sila sa kasiyahan at aminadong nakainom ng alak nang maisipan nilang mamasyal gamit ang motorsiklo

Bigla umanong nagpreno si Erwin nang may tumawid na sasakyan pagdating nila sa crossing sa nasabing lugar.

Dahil sa mabilis ang kanilang takbo ay dumulas ang sinasakyan nilang motorsiklo.

 

( Jacky Estacion / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,

Leave a Reply