Sugatang driver ng motorsiklo sa Laguna, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | October 25, 2016 (Tuesday) | 1247

sherwin_tmbb
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang banggaan ng motorsiklo at kotse sa national highway ng boundary ng San Pedro at Binan, Laguna kagabi.

Nagtamo ng gasgas sa kanang kamay paa at binti ang driver ng motorsiklo na si Ryan Javier, bente cuatri anyos, na agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng grupo.

Samantala wala namang tinamong sugat ang driver ng kotse.

Matapos bigyan ng first aid ng grupo, dinala na ng San Pedro Police si Javier sa istasyon ng pulisya dahil sa kawalan nito ng lisensya.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: ,