Sugatang driver ng motorsiklo sa Laguna, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | October 14, 2016 (Friday) | 1100

sherwin_tmbb
Naabutan pa ng UNTV News and Rescue Team na pilit kinakalma ng mga city marshall ang duguang lalake.

Sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan at posibleng bali sa kanang binti ang tinamo nito matapos sumemplang at madaganan ng kaniyang minamanehong motorsiklo sa Brgy. Francisco Road, Binan,Laguna pasado alas dyes kagabi.

Agad na binigyan ng first aid ng UNTV News and Rescue ang biktima na kinilalang si Danilo Concepcion.

Ilang sandali pa dumating na rin ang Binan Emergency Rescue na tumulong sa paglalagay ng splint sa binti ng biktima.

Ayon sa nakakita sa pangyayari, tatlo ang sakay ng motorsiklo nang malaglag ito sa gutter.

Wala namang tinamong sugat ang dalawang angkas ng biktima na agad na umalis tangay ang motorsiklo matapos ang insidente.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: ,