Sugatang motorcycle rider sa Bulacan, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | September 29, 2016 (Thursday) | 1155

nestor_tmbb
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang isang lalaking naaksidente sa motorsiklo sa Barangay Borol 1st,Balagtas, Bulacan pasado alas onse kagabi.

Nagtamo ng gasgas at pasa sa kanang ulo at tuhod ang biktimang si Jhon Micko David na kaagad namang nilapatan ng pang unang lunas ng UNTV News and Rescue Team at saka inihatid sa Rogaciano M. Mercado Memorial Hospital sa Sta.Maria, Bulacan.

Ayon sa biktima pauwi na sana siya ng bahay galing sa pamamasyal ng aksidente itong malubak sa kalsada.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: ,