Sugatang motorcycle rider sa Olongapo City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | March 9, 2017 (Thursday) | 2236


Bandang alas sais kaninang umaga nang maabutan ng UNTV News and Rescue Team ang isang motorcycle rider na naaksidente sa Brgy. Barreto sa Olongapo City.

Kinilala ang biktima na si Jerico Barbero, 41 years old at tubong Olongapo City.

binigyan ng first aid ng UNTV News and Rescue ang tinamong multiple abrassion sa magkabilang braso at kamay nito.

Sinisisi ni Jerico ang madulas na kalsada dahil may buhangin, ang naging dahilan para mawalan ito ng balanse sa minamanehong motorsiklo.

Matapos malapatan ng pangunang lunas ng UNTV Rescue ang mga sugat nito ay tumanggi na ito magpadala sa ospital.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , ,