Taxi driver na sangkot sa isang vehicular accident sa Q.C., tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | June 22, 2016 (Wednesday) | 1218

REYNANTE_TMBB
Nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang taxi driver na nagtamo ng minor injury sa vehicular accident sa bahagi ng Quezon Avenue, Barangay South Triangle sa lungsod ng Quezon pasado alas dose ng madaling araw.

Idinadaing ni Samuel Flores ang pananakit ng kanyang batok, at tumaas din ang blood pressure nito.

Pagkatapos mabigyan ng first aid ay tumanggi na itong magpadala sa ospital.

Sa inisyal na ulat ng traffic sector nabangga ng taxi ang likurang bahagi ng suv at nabangga naman ng suv ang kasunod nitong kotse.

Nagkalat pa sa daan ang nagkapira-pirasong headlight ng taxi at nayupi naman ang likurang bahagi ng suv.

Ayon pa sa driver ng taxi 24 hours na siyang on duty at nakaidlip ito sa kanyang pagmamaneho kaya’t hindi napansin ang mga nakahintong sasakyang sa traffic light.

Wala naman nasugatan sa ibang sakay ng nabanggang mga sasakyan.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , ,