Tricycle driver at pasaherong naaksidente sa Nueva Ecija, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | October 4, 2016 (Tuesday) | 1388

grace_tmbb
Papauwi na sana sa kani-kanilang tahanan ang magkumpareng Richard Laxa at Jeffrey Dela Cruz na pawang residente ng Barangay Kapitan Pepe Subdivision sa Cabanatuan City, Nueva Ecija nang ma-aksidente ang mga ito pasado alas otso kagabi.

Bumangga ang sinasakyan nilang tricycle sa dalawang kotse na nakatigil sa crossing ng Circumferential Road, Maharlika High Way.

Gasgas sa kaliwang binti ang tinamo ng pasaherong si Jeffrey habang malalim naman na sugat sa kaliwang kilay ang tinamo ng driver ng tricycle na si Richard.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News and Rescue Team ang dalawang biktima.

Pagkatapos nito ay isinugod na ang mga ito sa M.V Gallego General Hospital.

Samantala, wala namang tinamong sugat ang driver ng dalawang nabanggang kotse.

(Grace Doctolero / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,