Tricycle driver na na-aksidente sa Pampanga, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | September 21, 2016 (Wednesday) | 1567

joshua_tmbb
Sa pag-iikot ng UNTV News and Rescue Team sa Brgy. Cutcut, Angeles City dito sa Pampanga, nakita ng grupo ang isang lalakeng sugatan.

Ayon sa biktima na kinilalang si Edwin Yutuc, 33 taong gulang at residente ng Porac, pauwi na siya nang mabangga ang kanyang sinasakyang tricycle sa isang kotse.

Sa lakas ng impact, tumilapon si Yutuc habang napipi naman ang gilid ng kotse na nabangga nito.

Nagtamo ang biktima ng gasgas sa kaliwang bahagi ng ulo, gasgas sa kaliwang bahagi ng paa at pamamaga sa kaliwang binti na agad naman nilapatan ng pangunang lunas ng grupo.

Samantala tumanggi naman itong magpadala sa ospital.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: ,