Umano’y biktima ng pambubugbog sa Baguio City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | July 29, 2015 (Wednesday) | 1140

TMBB BAGUIO
Isang duguang lalake na umano’y biktima ng pambubugbog ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team kaninang ala-una ng madaling araw.

Ayon sa biktimang si Jake Philip Faed, 24-anyos na taga-Mountain Province, pauwi na sana siya mula sa isang kasiyahan nang bigla siyang suntukin ng dalawang hindi nakikilalang lalaki.

Pinagtulungan umano siyang bugbugin ng dalawa kaya nagtamo siya ng pasa at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hindi rin siya halos makapagsalita dahil sa pananakit ng kanyang ilong at bibig.

Matapos lapatan ng paunang lunas ay isinugod na ang biktima sa Pines City Doctors Hospital.

Tags: ,