Unemployment rate sa PH, bumaba noong February 2024

by Radyo La Verdad | April 12, 2024 (Friday) | 4137

METRO MANILA – Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong nakaraang buwan ng Pebrero ngayong taon.

Batay sa labor force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), mula sa 2.15 million noong January, naitala na lang sa 1.8 million edad 15 pataas ang mga kababayang unemployed .

Ang February 2024 unemployment rate ang pangalawang pinakamababang naitala mula September 2023.

Samantala, tumaas naman sa 96.5% ang employment rate o katumbas ng 48.95 million na mga kababayang may hanapbuhay. Mahigit 3-M mas mataas ito kaysa buwan ng Enero.

Nananatiling ang wage and salary workers ang may pinakamalaking share ng employed persons na may 62.9% ng total employed noong February 2024.

Tags: ,