UNTV News and Rescue Team, rumisponde sa banggan ng tricycle at motorsiklo sa Davao City

by Radyo La Verdad | March 29, 2016 (Tuesday) | 1695

TMBB-DAVAO
Nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team ang banggaan ng trycicle at motorsiklo sa Indigo Street Brgy Obrero Davao City madaling araw ng Lunes.

Agad nilapatan ng first aid ng grupo ang angkas ng motorsiklo na si Aloha Dingal na nagtamo ng deformity at bleeding sa kaliwang paa.

Ang Davao 911 naman ang naghatid kay Dingal sa ospital.

Samantalang ang kabanggan nito na tricycle driver na si Martin Babato ay tumanggi ng magpahatid sa ospital matapos mabigyan ng first aid ang gasgas sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Wala namang tinamong pinsala ang driver ng motorsiklo.

(UNTV NEWS)

Tags: