Walang Pinoy na nadamay sa shooting incident sa Maryland – DFA

by Radyo La Verdad | June 29, 2018 (Friday) | 7881

Ipinahayag ni Department of Foreign Affairs Secretary Allan Peter Cayetano na walang Filipino na nadamay sa shooting incident sa Maryland, USA.

Sa statement na inilabas ng DFA, nagpahayag ito ng pakikiramay sa mga pamilya at kamag-anak ng mga nasawi.

Lima ang nasawi nang pasukin ng isang suspek na nasa trenta anyos na lalaki ang newsroom ng isang pahayag at pagbabarilin ang mga naroon.

Ayon sa DFA, mayroong 7,900 na Pinoy sa 3rd congressional district ng Maryland kabilang na ang mga nasa Anne Arundel Country.

 

Tags: , ,