Zero casualty sa pananalasa ng bagyong Chedeng, opisyal nang idineklara ng NDRRMC

by dennis | April 8, 2015 (Wednesday) | 817
Reuters/NOAA/NASA

Reuters/NOAA/NASA

Opisyal nang ipinahayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang zero casualty noong pananalasa ng bagyong Chedeng.

Batay sa final report ng NDRRMC, walang naitalang patay, sugatan o nawawala sa kasagsagan ng bagyo.

Tinukoy ng ahensya ang paghina ni Chedeng, ang kooperasyon ng mga lokal na pamahalaan at ng publiko sa pagkakatala ng zero casualty.

Samantala, hindi naman isinama sa final report ng NDRRMC ang apat na local tourist na nasugatan matapos hagupitin ng malakas na alon sa Baler, Aurora noong Abril 3.

Ayon kay NDRRMC spokesperson mina Marasigan na hindi maibibilang na casualty ni Chedeng ang apat na sugatan dahil Abril 5 lang naglandfall ang bagyo sa bansa.

Tags: , , ,