Biktima ng vehicular accident sa Tacloban City, tinulungan ng UNTV News & Rescue Team

by Radyo La Verdad | May 18, 2018 (Friday) | 3714

Pasado alas dose ng madaling araw nang maaksidente sina Aling Raquel Plaza, 59 anyos sa Manlurip San Jose, Tacloban City.

Ayon sa anak nito na kasama niya, pauwi na sila galing sa lamay nang biglang bumangga ang isang motorsikyo sa kanilang owner type jeep.

Nadaganan umano si Nanay Raquel ng iba pa nilang mga kasama sa sasakyan.

Wala namang natamong sugat ang tatlo pa nilang kamag-anak na nakasakay sa jeep at si Nanay Raquel ngunit iniinda nito ang kaliwang bahagi ng kanyang likod.

Agad namang nilapatan ng pangunang lunas ng UNTV News & Rescue Team si Nanay Raquel at dinala sa Eastern Visayas Regional Medical Center upang masuri ng doktor.

Samantala, patuloy pa na iniimbestigahan ng mga otoridad kung sino ang responsable sa nangyaring aksidente.

 

( Archyl Egano / UNTV Correspondent )

Tags: , ,