News

Suggested retail price ng karne ng manok, bababa simula ngayong Lunes

Simula ngayong linggo ay bababa na sa one hundred pesos ang presyo ng kada kilo ng manok mula sa dating one hundred thirty pesos. Ayon sa Department of Agriculture, ipapaskil nila sa mga palengke ngayong araw ang bagong suggested retail ...

April 20, 2015 (Monday)

Pangulong Aquino, muling igigiit sa ASEAN Summit ang pagbuo ng Code of Conduct sa West PHL Sea

Muling mananawagan ng tulong si Pangulong Benigno Aquino III sa kapwa pinuno mula sa mga member-state ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kaugnay sa isyu ng agawan sa teritoryo sa West Philippine Sea. Hihilingin ni Pangulong Aquino sa nalalapit ...

April 18, 2015 (Saturday)

Dr. Eric Tayag, inilipat sa ibang pwesto sa DOH

Itinalaga sa bagong pwesto si dating Assistant Health Secretary Dr. Eric Tayag ng Department of Health. Ayon kay Tayag, inilagay siya bilang director IV ng Bureau of Local Health Systems Development (BLHSD) epektibo noong Abril 13. Bilang BLHSD director, si ...

April 18, 2015 (Saturday)

Pinakamataas na temperatura sa Metro Manila, naitala sa 36.2 °C ngayong araw

Umabot sa 36.2 degrees Celsius (°C) ang temperatura sa Metro Manila na pinakamataas na naitala simula Enero 2015. Naitala ng PAGASA-DOST ang naturang temperatura kaninang ala 1:50 ng hapon sa Science Garden sa Quezon City. Na-break nito ang naunang record ...

April 18, 2015 (Saturday)

Fiji, niyanig ng magnitude 6.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang bansang Fiji. Batay sa datos ng US Geological Survey (USGS), naitala ang sentro ng lindol sa karagatan 224 kilometro mula sa Fiji at may lalim na 10 kilometro. Walang napaulat na pinsala bunsod ...

April 18, 2015 (Saturday)




Panukalang batas na magbibigay proteksyon sa paglipat ng copyright, isinusulong sa Kamara

Isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang batas na magbibigay ng proteksyon sa paglipat ng copyright ng mga may-akda o lumikha mula sa mga mapagsamantala na ilegal na nangongopya o nagnanakaw ng kanilang mga ideya sa kanilang mga iniakda o nilikha. ...

April 18, 2015 (Saturday)

Higit kalahating bilyong pisong pinsala ng pananim, naitala sa North Cotabato dahil sa tag-tuyot

Umabot na sa mahigit kalahating bilyong piso ang pinsalang natamo sa sektor ng agrikultura dahil sa nararanasang tagtuyot sa North Cotabato. Batay sa ulat ng Provincial Agriculture Office, tinatayang nasa P593 milyon ang pinsala sa mga pananim mula Pebrero hanggang ...

April 18, 2015 (Saturday)

Presyo ng ilang produktong petrolyo, nakaambang tumaas ng higit P1.00

Inaasahan na tataas ang presyo ng ilang produktong petrolyo sa susunod na linggo. Posibleng umabot sa P1.50 hanggang P1.70 ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasoline habang P1.00 hanggang P1.10 naman ang itataas sa presyo ng diesel. Habang nasa P1.00 ...

April 18, 2015 (Saturday)

Higit P800 milyong halaga ng infra projects, ipatutupad sa Mamasapano at sa limang iba pang karatig-bayan

Maglalaan ng P874.4 milyon ang pamahalaan para pondohan ang iba’t ibang proyektong pangimprastuktura sa Mamasapano, Maguindanao at sa limang iba pang karatig-bayan para himukin ang mga bandido na magbalik-loob sa lipunan. Ayon kay Engineer Emil Sadain, kalihim ng Department of ...

April 18, 2015 (Saturday)

Dalawang insidente ng banggaan, naitala sa SLEX

Dalawang aksidente ang naganap sa South Luzon Expressway (SLEX) na nagbunga ng pagsikip ng daloy ng trapiko kaninang umaga, araw ng Sabado. Naganap ang unang aksidente nang magbanggaan ang dalawang closed van sa southbound lane ng Kilometer 24 sa Shell ...

April 18, 2015 (Saturday)

‘Balikatan 2015’, magpapasimula na sa Lunes

Libo-libong sundalo mula sa Amerika at Pilipinas ang lalahok sa mas pinalawak na war games bilang bahagi ng “Balikatan Exercise” na magsisimula sa darating na Lunes, Abril 20. Ang naturang war games ay magtatagal ng 10 araw. Mas dumoble ang ...

April 18, 2015 (Saturday)

Pilipinas, kabilang pa rin sa mga pinakamalalaking foreign remittance market ayon sa World Bank

Kabilang pa rin ang Pilipinas sa mga bansang tumatanggap ng pinakamalalaking foreign remittances noong 2014 batay sa pinakahuling ulat ng World Bank. Ang bansang India ang no.1 sa nakatanggap ng pinakamalaking foreign remittances noong nakaraang taon na nagkakahalaga ng humigit ...

April 18, 2015 (Saturday)

Social media, gagamitin na sa paglutas ng Magsino slay case

Hinihikayat ng Philippine National Police ang publiko na tumulong sa imbestigasyon sa pagpaslang sa dating Inquirer correspondent na si Melinda Magsino. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon sa binuksang Facebook account na “Task Force Magsino”. Ayon kay PNP ...

April 18, 2015 (Saturday)

Sistema sa pagbabayad ng buwis, dapat pagaanin – Sen. Angara

Dapat pagaanin ng Bureau of Internal Revenue ang kanilang sistema sa pagbabayad ng buwis, ayon kay Senador Sonny Angara, chairperson ng Senate Ways and Means committee. Noong huling araw ng filing ng income tax return noong Miyerkules, Abril 15, iba’t-ibang ...

April 18, 2015 (Saturday)

6 na tauhan ng subcontrator ng ilang airline company , sangkot umano sa pagnanakaw sa NAIA

Sinuspindi na ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) at mga airline company ang anim na tauhan ng subcontractor na sangkot sa pagnanakaw ng mga gamit sa bagahe ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Nadiskubre ang ...

April 18, 2015 (Saturday)

43 overseas Filipino workers mula sa Yemen ang nakauwi na ng bansa

Dumating ang mga OFW lulan ng Philippine Airlines flight PR-655 kabilang na rin ang apat na menor de edad na pawang mga anak ng ilang OFW. Ayon kay Department of Foreign Affairs spokesperson Charles Jose, umabot na sa 386 na ...

April 17, 2015 (Friday)

Pamilya Laude, naghain ng petisyon sa Korte Suprema para hilingin na mapunta ang kustodiya ni US Marine Scott Pemberton sa Olongapo City Jail

Hinihiling ni Marilou Laude, kapatid ng pinaslang na transgender na si Jeffrey alias Jennifer Laude sa Korte Suprema na makuha ang kustodiya ni Lance Corporal Joseph Scott Pemberton mula sa American Military Authorities papuntang Olongapo City Jail. Ito ang laman ...

April 17, 2015 (Friday)

Self-defense, muling iginiit ng MILF sa Mamasapano incident

Muling nanindigan ang Moro Islamic Liberation Front na self-defense ang ginawa ng mga kasapi nito na nakipag-engkuwentro sa Special Action Force sa Mamasapano, Maguindanao. Ito ang kanilang naging sagot sa naunang pahayag ni Justice Secretary Leila de Lima na 90 ...

April 17, 2015 (Friday)