Lalaking nasugatan sa vehicular accident sa Manila, tinulungan ng UNTV News and Rescue team

by Radyo La Verdad | August 1, 2017 (Tuesday) | 1757


Walang malay at nakahandusay sa kalsada nang datnan ng UNTV News and Rescue team ang magkaibigang Jay-r Toling at Michael Tejada matapos maaksidente ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa may Roxas Boulevard corner Katigbak Drive pasado alas dos kaninang madaling araw.

Ayon sa mga kasamahan ng magkaibigan pauwi na ang dalawa galing sa kasiyahan ng mabangga sa isang delivery truck ang kanilang sasakyan.

Agad tinulungan ng UNTV News and Rescue team si Toling habang ibang rescue team naman ang nag-asikaso sa driver na si Tejada.

Dahil walang suot na helmet, nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang angkas na si Toling.

Matapos malapatan ng pang unang lunas ay agad isinugod ng News and Rescue sa Philippine General Hospital o PGH si toling para sa karagdagang atensyong medikal

Habang dead on arrival naman sa pagamutan si Tejada.

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

Tags: , ,

Leave a Reply