Wishfuls, handa na para sa unang concert sa Dubai bukas

by Radyo La Verdad | November 29, 2018 (Thursday) | 2471

Sa praktis pa lang ay makikitang handang-handa na ang Wishfuls sa kanilang pagbabalik Dubai para sa kanilang unang concert series sa ibang bansa.

Ito ang kanilang muling pagsabak sa Dubai stage matapos ang kanilang matagumpay na partisipasyon sa sold-out concert na “Morissette is Made” Dubai Leg.

Ayon sa Wishfuls, ang kanilang concert ay magiging “night to remember” para sa mga manonood.

Ang Wishfuls live in Dubai ay isasagawa bukas sa Boracay, Asiana Hotel, ika-7 ng gabi, oras sa Pilipinas.

Mabibili ang mga tiket ng concert sa platinumlist.net at sa mismong venue.

Samantala, mapapanood din ang Wishfuls sa Shu Lounge and Restaurant Jumeriah Branch Dubai sa ika-1,2,4,6 at 7 ng Disyembre.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0 0

Tags: , ,