Presyo ng pangunahing bilihin, dapat mas mababa pa – consumer group

by Jeck Deocampo | January 3, 2019 (Thursday) | 41335

METRO MANILA, Philippines – Naniniwala ang Laban Konsyumer Group na dapat ay mas mababa pa ang presyo ng mga pangunahing bilihin ngayon sa mga pamilihan. Ito ay dahil bumaba na umano ang farm gate price dahil na rin sa pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo.

Hindi lamang dapat stable ang presyo ng pangunahing bilihin dapat ito mababa pa dahil ang farm gate price ng gulay at manok at baboy ay mababa. ‘Yung mababang presyo ng farm gate prices hindi agad mag reflect sa retail kaya dapat tutukan talaga ng monitoring at enforcement,” pahayag ni Vic Dimagiba, presidente ng Laban Konsyumer Group.

Ayon naman kay Wilson Lee Flores, isang ekonomista, magiging stable ang presyo ng mga bilihin sa mga unang buwan ng taong 2019. Ngunit kailangan aniya bantayan ang epekto sa ekonomiya dahil sa trade war sa pagitan ng Amerika at Tsina. 

Ani Flores, “May kaunting epekto sa paghina ng ekonomiya ng buong mundo pero ang magandang balita (dahil) ang Pilipinas at Asya, malakas pa rin ang ekonomiya natin.

Dagdag pa ng ekonomista, hindi na masyado mabibigla ang mga tao sa panibagong dagdag-buwis na ipapataw ngayong taon dahil naumpisahan na ito noong 2018. 

(Mon Jocson | UNTV News)

Tags: , , , , , , , ,

Pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, posibleng magtuloy-tuloy hanggang Hulyo – DOE

by Radyo La Verdad | June 13, 2023 (Tuesday) | 5686

METRO MANILA – Nagpatupad ng mahigit P1 dagdag presyo ang kumpanya ng langis ngayong araw (June 13).

Sa abiso ng mga oil company, tataas ng P1.40 ang presyo ng kada litro ng Diesel. Habang P1.20 naman na dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Samantala magkakaroon rin ng P1.30 rin na price hike sa Kerosene.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Assistant Director Rodela Romero, inanunsiyo ng bansang Saudi Arabia na simula Hulyo, ipapatupad nito ang production cut na aabot sa 1M bariles kada araw.

Ibig sabihin, inaasahan ang pagtaas ng presyo ng gasolina, diesel, at kerosene at posibleng magtutuloy tuloy ito hanggang sa buwan ng Hulyo. Posible rin itong magresulta sa pagtaas ng antas ng mga bilihin sa bansa.

Bukod sa anunsiyong pagbawas ng produksyon ng mga exporting countries, ang patuloy na gyera sa pagitan ng bansang Russia at Ukraine ang isa sa dahilan sa pagtaas ng presyuhan sa mga produktong petrolyo.

Dagdag pa ni Romero na maliit ang pagitan ng suplay at demand ng produktong petrolyo sa world market kaya agad na naapektuhan ang presyo nito.

(Bernadette Tinoy | UNTV News)

Tags: ,

Presyo ng manok, bahagyang tumaas

by Radyo La Verdad | March 30, 2023 (Thursday) | 3137

METRO MANILA – Bahagyang gumalaw ang presyo ng manok sa mga palengke sa Metro Manila.

Base sa price monitoring ng Department of Agriculture, nasa P150 hanggang P200 ang presyo ng kada kilo nito.

Sa impormasyong nakalap ni Department of Agriculture (DA) Spokesperson Asec. Kristine Evangelista, may palengke na nasa P5 ang increase.

Gumagawa na ng paraan DA para mapigilan ang pagtaas pa ng presyo nito.

Tags: ,

Presyo ng LPG, posibleng tumaas sa susunod na buwan

by Radyo La Verdad | November 27, 2022 (Sunday) | 7879

METRO MANILA – Posibleng tumaas ang halaga ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa susunod na buwan.

Ayon sa ilang LPG supplier, umaabot na sa 38 US dollars per metric ton ang halaga ng LPG sa International Market, na katumbas ng P2-P3 dagdag sa kada kilo nito.

Sa November 30 pa inaasahang ia-anunsyo ang final price adjustment sa LPG na ipatutupad ng December 1, 2022.

Ngayong buwan ng Nobyemre nagpatupad din ng mahigit sa P3 dagdag kada kilo ng LPG, makalipas ang 6 na magkakasunod na Linggong bawas-presyo nito.

Tags: ,

More News