Singil sa tubig ng Maynilad, tataas din ngayong buwan

by Radyo La Verdad | April 11, 2017 (Tuesday) | 4615


Magpapatupad ng dagdag singil sa tubig ang Maynilad Water Services Incorporated ngayong buwan.

Batay sa twitter post ng Maynilad, ang water rate hike ay bunsod ng bahagyang paggalaw sa taripa ng tubig.

Mahigit dalawang piso ang madaragdag sa water bill ng mga kumokonsumo ng 10 cubic meters kada buwan.

Halos sampung piso sa 20 cubic meters at halos dalawampung pisong dagdag-singil naman sa mga kumokonsumo ng 30 cubic meters kada buwan.

Ipatutupad ang water rate increase ng Maynilad simula sa a-bente dos ng Abril.

Tags: , ,