Water service interruption ng Maynilad, sisimulan na sa Miyerkules

by Radyo La Verdad | September 14, 2015 (Monday) | 1780

MAYNILAD
Tuloy na sa Septmeber 16, araw ng Miyerkules, ang pagpapatupad ng Maynilad ng water interruptions sa halos limamput-anim na porsyento ng kanilang mga customer.

Mawawalan ng suplay ng tubig ang nasa siyam na raang barangay, sa loob ng pitong oras.

Kabilang sa mga lugar na maapektuhan ng rotating water interruption ay ang: Caloocan city,Las Piñas,Makati,Malabon,Manila,Muntinlupa,Navotas,Paranaque,Pasay,Quezon city,Valenzuela city,Cavite city,Imus city,Noveleta,Rosario.

Samantala para sa kumpletong listahan ng mga barangay na apektado ng water interruption, maaring bisitahin ang maynilad website sa www.mayniladwater.com.ph.

Tags: ,